Ang pagsali namin ng asawa ko sa Nikken nangyari sa ganitong paraan. Narinig namin sa isang radio show si Karen Rubio. Tuturo niya daw how to overcome poverty. Naging interesa-do kami ni Bert, ang asawa ko, kasi gusto namin maka-angon sa sitwasyon namin.
Naghihirap kasi kami noon. Dati siyang musikero na naging seaman. Tumigil siya sa pagbabarko at nagpahinga muna dahil nagka-kasakit lang siya. Yung kita niya, napupunta lamang sa paggagamot.
Noong natigil si Bert sa pagbabarko, nara-nasan namin ang paghihirap. Ang salary ko noon bilang isang ordinary employee P7,000 a month lang. In-house agent ako para sa isang subdivision. Mula 8 a.m. hangang 5 p.m. ang trabaho, Lunes hangang sa Linggo. Sa gabi na lang kami nagkikita ng pamilya ko.
Hirap ang katawan dahil sa pagod. Hirap din pagkasyahin ang sahod.
Nangugutang ako para sa pagsaing — P100 pambili ng bigas at ulam. Kulang na kulang talaga ang kinikita. Tatlong anak nagaaral, baon, bills pa. Kuryente. Buti nakatira kami sa bahay ng kamaganak namin.
Sa madaling salita, nagmeet kami nila Karen Rubio. Nag-join kami sa kanyang foundation na tumutulong sa mahihirap. Inalok niya kung |
 |
gusto naming mag try ng Nikken bilang hanap-buhay. Naginvest kami ng P995 para maging Nikken distributor.
Sa totoo lang, hindi pa ko focused sa Nikken noon kasi may trabaho pa ako. Pero napansin ko, yung kinikita ko sa isang buwan, pwedeng kitain sa isang linggo sa Nikken sa pagbebenta lang ng Magbien — yung pinakamaliit na magnet ng Nikken.
Nagwellness mission kami ng mga upline namin, sina Karen Rubio at Kata Bellosillo, sa isang baranggay. Kumikita kami ng P500 sa araw na yon.
Kinausap namin ang mga baranggay captain. Sunod-sunod na ang mga baranggay. Madali lang ang P2,400 sa isang araw. Isang beses, nakabenta kami nang marami at kumita ng P5,600 sa isang araw. Naging ganado kami lalo.
Naglakasloob ako. Iniwanan ko ang trabaho ko. Nag-fulltime na ako sa Nikken. Kaming dalawa ni Bert, tulong tulong. Full support galing sa mga upline, sina Miss Karen at Miss Kata. Tinulungan kami sa presentations namin.
Dati, kami yung nagaalok. Nagulat kami. May kumakatok. Pumunta sa amin, gustong bumili ng Magbien. Ang hanap nila, “Yung butones na tinatapal, yung magic button.”
Tumatawag yung iba, “Nasaan na |
 |
ba ang inaalok ninyong Magbien?” Gusto nilang bumili, kasi nakikita nila, nararamdaman nila na tumatalab. Malaking tulong sa mga karamdaman nila sa katawan ang pagdikit ng Magbien.
Ang maganda, na-tap namin ang malalaking organisasyon gaya ng Rotary. Pumasok yung iba bilang downlines namin. Marami din nag join sa amin galing sa mga baranggay. Ngayon 88 people na sa network namin. Pag meron silang demo o wellness mission, kami na ni Bert ang sumasama.
Nakaipon kami at nakabili ng Kenko Sleep System ng Nikken. Nakatulong sa akin dahil nawala ang asthma ko. Unti-unti, mula sa kinikita namin, nakapundar kami nang sari-saring Nikken products na ginagamit namin pag nag we-wellness mission kami.
Magandang negosyo ito dahil ang oras namin, sarili. Kami yung may-ari ng Nikken business namin. Wala kaming boss. Wala kaming overhead. Yung Nikken products na binili namin bilang investment sa negosyo nakatulong na sa aming kalusugan, at dahil sa Nikken business, naaayos na rin ang finances namin.
Hindi na kami gipit. Hindi na kami nangungutang. Hindi na kailangan ni Bert sumakay sa barko at magkasama na kaming pamilya. At yung pinakamaganda — kumikita kami, oo, pero nakakatulong din kami sa kapwa namin. |
 |
Persons Helped: Bert and Beth Landicho
Condition Helped: Financial need
Product Used: Magbiens
Benefit Felt: Same day
Contact Number: 09276816645 |